Pagtitiyak na dumaan sa masusing inspeksyon ng mga karneng ibinebenta sa merkado, binigyang-diin ng NMIS-Bicol

BNFM BICOL – MULING binigyang-diin ng National Meat Inspection Services o NMIS-Bicol ang kahalagahan ng pagtitiyak na dumaan sa tamang proseso ang mga karneng ibinebenta sa mga merkado publiko.

Ayon kay Dr. Dr. Alex Templonuevo, Regional Director ng NMIS-Bicol, bukod sa nutrisyon taglay, dapat din umanong tingnan kung dumaan ang ikokonsumong karne sa masusuing pagsusuri at inspeksyon.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Mahalaga umano ang pag eksamin sa hayop bago katayin o ante mortem inspection at pagkatapos makatay ay isasailalim sa post mortem kung saan susuriin ang kalidad ng karne pati na ang estado ng mga lamang-loob nito.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Bahagi umano ito ng good manufacturing practices na kailangang sundin ng lahat ng mga accredited Double A Slaughterhouses, poultry dressing plants at mga meat cold storage facilities. ###