Pagpapalawak sa kooperasyon ng PH at US – natalakay din 2+2 Ministerial Consultations

Tiniyak ng Pilipinas at Estados Unidos na palalawakin pa nila ang kanilang kooperasyon.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, napag-usapan sa 2 plus 2 Ministerial Consultations kasama sina United States Defense Secretary Lloyd Austin at US Secretary of State Antony Blinken ang “assessment progress” sa bilateral cooperation ng bansa.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kasama na rito ang mga update development goals ng Pilipinas pagdating sa trade at economic sector.

Paliwanag ni Manalo, napagkasunduan din ang pagtalima ng mga bansa sa rules based order sa pagpapanatili ng kapayapaan sa West PH Sea.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sa panig naman ni Defense Sec. Gilbert Teodoro, kanyang sinabi na paiigtingin nila hindi lang sa US kundi maging sa mga like-minded nations tulad ng Japan at Australia ang pakikipagtulungan.

Natalakay din sa dialogue ang land, sea at air security gayundin ang cybersecurity na kasama na sa mga bantang kinakaharap sa ngayon.