PAGCOR, hindi na tatanggap ng mga bagong hire sa POGO simula ngayong araw

Hindi na papayagan ang mga bagong hire sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) simula ngayong araw, July 31, 2024.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), alisndunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itigil ang operasyon ng POGO sa pagtatapos ng taon.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Magkakaroon sila ng pagpupulong sa susunod na linggo kasama ang kumpanya ng POGO.

Tinatayang nasa 40,000 manggagawang Pilipino mula sa 43 legal na POGOS ang maaapektuhan ng nationwide POGO ban.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ngunit tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakikipagugnayan na sila sa business process outsourcing at information technology companies para matulungan ang mga apektadong manggagawa.