LEGAZPI CITY – Sisimulan na umano ang konstruksyon ng Integrated Specialty Care and Wellness Center sa Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) sa lungsod ng Legazpi Albay.
Isa itong 10-storey legacy specialty hospital na ipapatayo nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at House Speaker Cong. Ferdinand Martin Romualdez upang mailapit ang mahusay na medical services sa bawat Bicolano at maipakita sa buong rehiyon na isa ito sa pinakamagandang ospital sa bansa.
Mayroo umano itong iba’t ibang specialty treatment services tulad ng lung center, heart center, at iba pang pasilidad, at may 433 bed capacity na mayroong state of the art facilities tulad ng MRT at CT Scan, hatid ang modernong medical diagnosis at treatment sa rehiyon.
Isinusulong din ang pagkakaroon ng super health centers para sa mahusay na serbisyong pangkalusugan at tututukan din ang MICES para sports at educational events, pagtatayo ng heaven legacy para sa mga inabandonang lolo at lola at mga inabusong kababaihan at kabataan.