Makabayan bloc, pinaplantsa na ang resolusyong target mag-ban sa POGO sa bansa

Isinasapinal na ng Makabayan bloc ang resolusyong magpapatupad ng total ban sa mga POGO sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel, sinabi nitong itatakda pa nila kung kailan ito maipa-file.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nanindigan ito na ang gagawin nilang hakbang ay naaayon sa kanilang paninidigan noon pa man.

Dati aniya kasi ay nag-‘no’ na rin ang Makabayan coalition sa panukalang batas na magpapatupad ng tax sa POGO – bagay na nagpapakita umano na tila sinasang-ayunan pang manatili sa bansa ang mga POGO.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Umaasa ang mambabatas na matatalakay na rin sa Kamara ang pag-ban sa mga POGO sa bansa.