Pagtatayo ng bagong House of Representatives Building sa BGC, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ang isang resolusyon na layong pag-aralan ang pagtatayo ng bagong gusali at relokasyon ng House of Representatives.

Ito ang House Resolution 1390 na akda nina Camarines Sur Rep Luis Raymund Villafuerte, House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at Quezon Rep. David Suarez.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Isinusulong ng nasabing resolusyon na bumuo ng isang isang ad hoc committee na siyang mag-aaral sa construction ng bagong gusali.

Anila, nararapat na ikonsedera na ilipat ang mababang kapulungan malapit sa mataas na kapulungan na nakatakdang lumipat sa BGC para mas maayos ang komunikasyon at koordinasyon pagdating sa lehislasyon.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Bukod dito, accessible rin anila ang lokasyon malapit sa bagong gusali ng Senado sa pampublikong trasportasyon tulad na lamang ng MRT, bus, at shuttle.

Punto pa sa resolusyon, kapag malapit sa iba’t ibang ahensya, at multi-national companies ay mas magkakaroon ng access ang mga tao.