Pagtatala para sa COVID- 19 vaccine ng mga batang edad 12- 13 anyos sinimulan na kahapon

CAMARINES NORTE- Sinimulan na kahapon ng Provincial Health Office (PHO) ang pagtatala para sa COVID- 19 vaccines ng mga batang edad 12 hanggang 13 anyos.

Ayon sa PHO, maaari nang magpatala para sa COVID- 19 vaccines ang mga batang edad 12- 13 anyos sa kanilang opisina.

Kasabay nito ay pinapayuhan ang mga nakatanggap ng bakuna sa measles rubella at tetanus diptehria na magpalipas ng dalawang linggo bago magpabakuna kontra COVID- 19.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Maaari ring magpatala ang mga batang edad 12- 13 anyos na hindi naturukan ng MR TD upang mapabilang sa mababakunahan ng COVID- 19 vaccines.

Magdala lamang ng Birth Certificate ang mga tuturukan sa schedule ng bakunahan kasama ang kani- kanilang magulang o guardian.

Kung maalala ay una nang nagbakuna ang PHO sa mga batang edad 14 hanggang 17 anyos noong nakatalikod na linggo.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Maliban sa PHO na nagsasagawa ng pagbabakuna sa pediatric population sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital ay ginagawa na rin ito sa iba’t- ibang LGUs.

Sa katunayan ay dumagsa ang daan- daang kabataan sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan para magpabakuna kontra COVID- 19.