Student Educational Assistance sa Malinao, Albay naibigay na-PED Albay

LEGAZPI-Natanggap na ng mga kwalipikadong estudyante mula sa bayan ng Malinao sa lalawigan ng Albay ang educational assistance na mula sa Provincial Education Department.

Ayon kay Dr. Cham Godino Zuñiga, head ng PED Albay, ang mga estudyante ay mula sa Malinao National High School.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Bago ang distibusyon ng checke, nagsagawa muna ng orientation ang departamento para ipaliwanag sa kanila ang educational assistance at saan dapat gamitin.

Kaniya din na binigyang pugay ang mga nabigyan na estudyanteng napanatili ang mataas na grado sa academic.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Mismong si Malinao Mayor Lennybelle Ceriola Santos at Dr. Romeo C. Boñon ang nagpasalamat rin sa mga estudyante sa sipag nitong pinamalas.

Kung maaalala, ang bawat kwalipikadong estudyante ang tumanggap na tig 2,000 pesos.