HPG nagbabala sa mga may balak na bumili ng second hand na sasakyan, kampanya vs carnapping pinaigting

CAMARINES NORTE- Nagbalala ang PNP Highway Patrol Group sa mga mayroong plano na bumili ng second hand na sasakyan sa gitna ng napakaraming modus operandi ngayon ng mga masasamang loob

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte HPG Provincial Officer PMAJ Joselito Quila, sinabi nitong wala namang problema sa pagbili ng second hand na sasakyan basta’t siguraduhin lang na maayos ang dokumento nito.

Aniya, maaaring makipag ugnayan sa kanilang opisina dahil mayroon itong database at madali lang malaman kung may problema o wala ang papeles ng bibilhing sasakyan.

“Kung kayo po ay nagpaplano na bumili ng second hand na sasakyan, wala hong problema dun, basta siguraduhin lang po ninyo na nai- check niyo lahat at maayos ang dokumento at kayo po ay makipag ugnayan sa aming opisina,” ani Quila

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

“Ngayon kung hindi naman siya carnap, hindi pa rin ho dun matatapos baka ang kanilang pinipresent na dokumento ay fake so mayron ho din tayong chance na malaman at baka po  yung ibinibenta nila ay sasabihin lang sainyo na bayad na yan sa financing  pero hindi.”

Samantala, lalo pang pinaigting ngayon ng HPG ang kampanya kontra carnapping at paghuli sa mga most wanted persons

Noong Sabado, naaresto ng mga tauhan ng HPG ang ikalawa sa Regional Most Wanted Person na dating miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU na kinilalang si Ryan Competente, 30 anyos na ika sampu rin sa Municipal Most Wanted ng San Vicente MPS.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Si Competente ay naaresto noong Sabado sa Meycuayan, Bulacan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Winston Racoma ng RTC Branch 39 dito sa Daet noon pang October 12, 2020.

Ayon kay Quila na siya ring Deputy Regional Chief ng HPG sa Bicol mula Enero hanggang ngayong buwan ay umaabot na sa 21 Regional Most Wanted Person ang kanilang naaresto.

Maliban sa pagkakaresto sa mga most wanted person ay may narerekober din umanong mga ninakaw na sasakyan.

Ayon pa kay Quila, hindi naman nakakaalarma ang mga kaso ng carnapping sa rehiyon.