Kasama ang Pilipinas sa 13 Indo-Pacific countries na pumabor sa pagtatakda ng mga parameters para sa mas malapit na trade, environment at economic ties kasama ang Estados Unidos.
Ayon kay US Commerce Secretary Gina Raimondo layon nito na mas mapalakas ang investment at makalikha ng trabaho sa kanilang partner countries.
Sa ginanap na ministerial meeting sa Los Angeles napagkasunduan ng 14 na bansa ang key outlines para sa four major “pillars” ng nakatakdang agreement katulad ng data flows and labor rights, supply chain resilience, green energy and environmental standards, at anti-corruption and tax measures.
Kabilang sa mga bansa na sumama sa US-led Indo Pacific Economic Framework’s (IPEF) trade negotiations ay Australia, Brunei, Fiji, India, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, New Zealand, Philippines, Singapore, Thailand at Vietnam.
Inihayag naman ni Raimondo na ang pangalawang ministerial meeting ng IPEF ay gaganapin sa unang bahagi ng 2023, ngunit tumanggi siyang sabihin kung ang isang kasunduan ay maaaring maabot bago ang leaders summit ng Asia Pacific Economic Cooperation ( APEC) countries sa Nobyembre ng susunod na taon.
