Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na ang pag-atake ng Russia sa Ukraine, ay maaring magdult ng gutom sa mga bansa sa buong mundo.
Dahil dito, umapela ng malaking tulong si Zelenskiy para matalo ang invaders.
Giit kasi nito, ang kanilang bansa ang nag-iisang pinakamalaking food exporters, pero tanong nito, makakapagtanim pa ba sila sa ilalim ng mga pambobomba ng Russian artillery?

Sa kanyang latest address sa Western lawmakers, sinabi ng presidente na sinisikap ng kanyang mga residente na maka-survive, sa gitna na sinisira ng Russian military ang mga lungsod sa Ukrainian at pinapatay ang mga sibilyan.
Ang conflict umano sa Ukraine ay nagbabanta sa global grain production, sa suplay ng edible oils at fertilizer exports, maging ang pagpapadala ng basic commodity ay tumataas ang presyo, at sumasalamin sa krisis sa energy markets. //MHEL PACIA-TRINIDAD