BNFM Bicol-Sinara na ng Civil Service Commission o CSC Bicol ang online registration para sa nalalapit na August 2024 CSE Pen and Paper Test Professional and Subprofessional sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol.
Ito ang Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon na kung saan naabot na ang inilaan bilang ng slot sa mga nakatakdang eksaminasyon habang Catanduanes na lang ang nananatiling mayroon at tumatanggap pa ng mga aplikante.
Matatandaang Mayo 10 nang buksan ang kanilang New Normal Waitlist System o N-List na matatagpuan sa kanilang official Facebook page.
Ang mga nakarehistro ay maaring antabayan ang ibibigay na iskedyul ng kanilang pagsumite ng kanilang mga dokumento para sa paparating na August 11 Examination. ### KENNETH BERMIL