Bilang ng mga bicolanong tinamaan ng Pertussis, pumalo na sa 54

BNFM Bicol-UMAKYAT na sa kabuoang 54 ang bilang ng mga bicolanong tinamaan ng sakit na Pertussis batay sa inilabas na datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health o DOH Bicol katuwang ang Philippine Integrated Disease Surveillance and Response Database.

Sa kanilang naitala, Albay umabot na sa 22, Camarines Sur 16, Sorsogon 13  na mga kaso, 1 sa lalawigan ng Masbate habang wala namang naitalang mga kaso sa probinsya ng Catanduanes at Camarines Norte. Ito ay ang pinagsamang Clinical at Laboratory confirmed cases ng naturang sakit.

Ang mga datos ay nairehistro simula Enero 1 hanggang nitong Mayo 11, 2024 na kung saan dalawa katao ang nasawi na mula sa mga lalawigan ng Masbate at Camarines Sur.

Ang Pertussis o whooping cough, ay isang malubhang nakakahawang impeksyon sa respiratory na dulot ng bacteria na Bordetella Pertussis nakaraniwang nakakaapekto sa mga bata, partikular na sa mga sanggol at batang wala pang kumpletong bakuna na kumakalat naman sa pamamagitan ng droplet transmission.### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *