Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Oktubre bumagal pa sa  antas na 6. 3 %

CAMARINES NORTE- Bumagal pa sa antas na 6.3 % ang headline inflation o pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Oktubre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) bahagya pa itong mas mabagal  kumpara sa naitalang 6. 8% noong Setyembre.

Pero mas mas mataas ito kumpara sa 2.3 % lang sa kaparehong panahon noong 2020 at pangalawa sa may pinakamabilis na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa loob ng siyam na taon sa magkakaparehong buwan.

Naitala naman sa antas na 6.6 % ang headline inflation sa buong Bicol Region.

Nangangahulugan ito na mas bumagal pa ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa buong rehiyon noong Oktubre kumpara sa 6.9 % noong Setyembre.

Pinakamabilis naman ang pagtaas ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Sur sa 7.9 % habang ang may pinakamababang inflation ay ang Sorsogon sa 3.3 %.

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *