Pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte bahagyang bumilis noong Abril – PSA

CAMARINES NORTE- Bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Camarines Norte noong Abril sa antas na 2. 2 percent.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) mas mataas ito kumpara sa 1. 7 percent noong Marso pero mas mababa naman sa 8. 1 percent sa kaparehong panahon noong 2019.

Gayunman ito pa rin ang pinakamababang antas ng inflation sa loob ng apat na taon o mula 2019.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Pinakamabagal rin ang pagtaas ng mga produkto at serbisyo sa Camarines Norte kumpara sa iba pang  lalawigan sa Bicol.

Naitala ang pinakamataas na inflation sa Sorsogon sa antas na  6. 7 percent.

Sa buong Bicol ay bahagyang bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo noong Abril sa antas na 4. 2 percent kumpara sa 3. 8 percent noong Marso.

Mas mababa naman ito kumpara sa 7. 5 percent sa kaparehong panahon noong isang taon.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Naging mabilis din ang pagtaas ng inflation sa buong bansa noong Abril sa antas na 4.9 percent kumpara sa 4.0 percent lang noong Marso.

Ayon sa PSA dahil ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng kuryente, LPG, renta sa bahay at gulay tulad ng kamatis.

Kapag mataas ang inflation kinakailangang gumastos ng mas maraming pera ang mga tao para sa mga serbisyo at produkto na kanilang binibili.