Pagsunod sa minimum health protocols, nakatulong rin vs measles, polio

Binigyang diin ng Department of Health (DOH) na ang pagsunod sa minimum health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic, ay nakatulong rin para mapigilan ang pagkalat ng vaccine-preventable diseases, kabilang na ang measles at polio.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang cumulative total na 26 measles cases ay naitala mula January hanggang March 5, 2022 ay mababa, kumpara noong nakaraang taon, bago ang COVID-19 pandemic, habang sa polio, ay meron lang 79 na mga kaso, bagama’t hindi naman talaga umano ito polio, kundi acute flaccid paralysis, bagay na kailangan pang ikumpirma.

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Dagdag ni Vergeire, batid naman ng lahat na ang measles ay airborne, at ang mga sakit gaya ng polio ay nakukuha sa tubig o sa mga hygienic practices, pero dahil ang bawat isa ay naghuhugas ng kanilang mga kamay at laging nag-a-alcohol, ay nakakabawas ito sa kaso.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Sa kabila nito, hindi naman isinasantabi ng Health undersecretary na posibleng may under- reporting sa naturang mga sakit, dahil nakatutok ang mga healthcare workers sa COVID-19 response. //MHEL PACIA-TRINIDAD