DOH: Yearly COVID vax, matagal nang napag-usapan, plinano

Handa ang gobyerno na magbigay sa eligible population ng yearly shots laban sa COVID-19, kung may sapat na ebidensya na magsasabing ito ay kinakailangan.

Ayon kay DOH spokesperson Ma. Rosario Vergeire, na ang regular vaccination laban sa COVID-19, ay matagal nang pinag-usapan at plinano ng gobyerno.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Dagdag ni Vergeire, na sa mga budget na nai-sumite at naipasa at naaprubahan ng Kongreso para sa Department of Health, ay kasama dito ang mga kailangang bilhing bakuna para sa iba’t-ibang sektor ng lipunan pati na rin ang karagdagag doses para sa mga kababayan.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Mababatid na sinabi ng ilang mga eksperto sa abroad na ang COVID-19 vaccination ay maaring kailanganin sa yearly basis, para maging kontrolado ang sakit. //MHEL PACIA-TRINIDAD