SORSOGON CITY – Hindi pa rin umano mag sink in sa 23-anyos na Masbatenong si Emmanuel Zaragosa Jerusalem ng Brgy Umabay Exterior, Mobo, Masbate na Top 6 siya sa May 2022 CPA Licensure Examination.
Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Jerusalem inamin nito na minsan niya ring hinangad na makapasok sa TOP 10 ng nasabing board exam noong nasa kolehiyo pa siya pero habang nagrereview ay marami umano siyang pinagdaanan kaya hiniling nya na lamang na basta makapasa ay okay na sa kanya.
AnIya, pagsisikap, tyaga at tiwala sa Diyos ang kanyang naging sikreto para magtagumpay. Hindi lang kasi umano ito laban niya kundi laban para sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga magulang.
Binalikan din nito ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang anak ng ordinaryong ice cream at halo-halo vendor habang plain house wife naman ang kanyang ina.
Pito umano silang magkakapatid at siya ang panglima.

Sa ngayon ay dalawa na lamang sa kanila ang nag-aaral. Malaking bagay din umano na mayroon siyang ibang mga kapatid na sumusuporta kapag nagigipit sila.
Si Jerusalem ay nagtapos bilang cumlaude sa Bicol University Daraga Campus at consistent honor student mula elementarya.
Sa ngayon ay plano niya umanong magtrabaho sa pamamagitan ng work –from- home setup sa isang audit firm sa Maynila na siyang nagbigay ng scholarship sa kanya noong siya ay nasa kolehiyo. Payo nito sa mga kabataan ngayon, magsikap at huwag magpapaapekto sa mga distraction, mag aral ng mabuti at higit sa lahat magtiwala sa Diyos.