CAMARINES NORTE- Nilinaw ng Primewater na walang kinalaman si Outgoing Governor Edgardo Tallado sa pagtaas ng taripa sa tubig na sinimulang ipatupad sa mga kunsomidores ngayong buwan.
Tugon ito ni Primewater Branch Manager Engr. Mark Anthony Muroda matapos na matanong sa isinawang Press Conference kahapon.
Ayon sa opisyal walang bahid ng pulitika ang pag apply nila ng tariff increase at lalong walang kinalaman ang Gobernador.
Noon pa aniyang 2019 ay nag apply na sila ng tariff increase base sa sinusunod na timeline pero naantala dahil hindi pa umano nila noon alam kung saan mag- aaply kung sa National Water Resources Board (NWRB) o sa Local Water Utilities Administration (LWUA).
Humingi muna umano ang Primewater ng legal comment mula sa Office of the Government Corporate Counsel kung saan ba dapat mag apply ng tariff increase.
“Ako na po ang magsasabi wala pong kinalaman po si Gob Egay sa pagtaas ng ating taripa sa tubig,” ani Muroda.
Muli rin nitong binigyang diin na ang tariif increase ay nakapaloob sa Joint Venture Agreement at dumaan sa pagbusisi ng Camarines Norte Water District Management at ng Board of Directors.
“Again, usapang Joint Venture po ito na nakapalagay po doon s acontract and at the same time as I have said binusisi po kami ng Board at tsaka ng management, tinanong po kami kung ano na yung mga nagawa at ano pa ang mga gagawin.”
