CAMARINES NORTE- Isang malaking selebrasyon ang matutunghayan muli ng publiko sa pagdiriwang ng kapistahan ng bayan ng Daet.
Kasado na ang mga isasagawang aktibidad na magsisimula sa ika-15 ng Hunyo para sa sampung araw na pagdiriwang ng Pinyasan Festival sa pamamagitan ng ibat-ibang gawain na pangungunahan ng pamahalaang lokal ng bayan ng Daet sa pamumuno ni Mayor Benito B2K Ochoa
Ang nasabing festival ay ang isa sa mga pinakatampok na pagdiriwang sa paggunita sa kapistahan ng patron nito na si San Juan Bautista.
Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika- tatlong linggo ng buwan ng Hunyo na naglalayon na maipakita ang mga tampok na produkto kung saan kilala ang bayan ng Daet bilang syang sentro ng komersyo sa lalawigan ng Camarines Norte
Tema ngayong taon ang “Come and Experience the Sweet Tourism Restart!” na may layuning palakasin ang turismo sa buong bayan.
Nakahanay na ang mga aktibidad kung saan highlights ng pagdiriwang ang Miss Pinyasan 2022 and festival costume competition, Miss Gay Pinyasan 2022 , Pinyasan We Will Rock You battle of the bands, Pinyasan trade fair , Pinyasan Job Fair, Pinyasan Fashion show with Camarines Norte models, 10 ball billiards, Star Millenium Pinyasan Variety Show at marami pang iba
Ang nasabing selebrasyon ay magtatapos sa araw ng kapistahan ng bayan ng Daet sa Hunyo 24, 2022.
