Pagsisiga malapit sa National Greening Program Sites ng DENR, iwasan

Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 sa mga residente malapit sa kanilang National Greening Program Sites na iwasan ang pagsisiga upang hindi masira ang kanilang mga itinanim na puno.

Ayon sa kagawaran, kasunod ito ng nangyaring sunog sa Delfin Albano, Isabela kung saan naapektuhan ang kanilang mga itinanim na puno matapos masunog ang bahagi ng 485 hectares na plantasyon na nagkakahalaga ng P10,000,000.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dahil dito, umapela si DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa mga residenteng nakatira malapit sa kanilang mga plantasyon na tumulong sa pagprotekta ng mga punong-kahoy.

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Binigyang-diin pa ng opisyal na ipinagbabawal ang hindi tamang pagtatapon ng upos ng sigarilyo at pagsisiga sa bukirin upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog