Chinese rocket debris – pinaniniwalaang bumagsak sa bahagi ng Patag Island

Posibleng bumagsak na ang mga debris mula sa Chinese rocket na ni-launch kamakailan.

Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA) – natukoy ang posibleng drop zones nito sa layong 28 nautical miles mula sa Rozul Reef; at 38 nautical miles mula sa Patag Island.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Mula ito sa Long March 3B/E rocket ng People’s Republic of China.

Una nang nagbabala ang PhilSA sa posibleng panganib ng naturang mga debris.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Bagamat ‘di raw ito inaasahang direktang babagsak sa populadong mga lugar – may banta pa rin ito sa kalgitasan ng mga barko, aircracts, at iba pang mga vessels o bangka na daraan sa projection ng drop zone.