Pagsasaayos ng mga airports sa rehiyon, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang mga infrastructure development sa mga airports o Paliparan sa buong lambak ng Cagayan.

Sa datos na inilabas ni Area 02 Manager Mary Sulyn Sagorsor ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), apat mula sa anim na airports na nasa superbisyon ng CAAP sa Region 02 ang kasalukuyang inaayos kabilang na rito ang Tuguegarao Airport, Cauayan Airport, Basco Airport, at Itbayat Airport.

Sa lungsod ng Cauayan, kasalukuyan ang paglalagay ng airfield lighting system ng Paliparan at paglalagay ng covered pathway.

Samantala, kabi-kabilaan din ang konstruksiyon sa Tuguegarao City Airport gaya ng pagpapatayo ng Control Tower Building, at konstruksyon ng security fence na halos 60% ng tapos.

Expansion ng runway naman ang kasalukuyang isinasagawa sa Basco at Itbayat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *