Paglalagay ng checkpoint, nakatulong sa pagpigil ng kriminalidad sa Lambak

Napatunayan ng Police Regional Office 2 na malaki ang naitulong ng paglalagay ng mga checkpoint upang mapigilan ang mga kriminalidad sa buong lambak ng Cagayan.

Base sa inilabas na datos ng Regional Operations Division, mula January ngayong taon hanggang kasalukuyan ay nasa 26 na mga kriminal na ang kanilang mga nahuhuli sa mga checkpoints mula sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Karaniwan sa mga kaso ng mga nahuhuli ay paglabag sa Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at ang Presidential Decree 705, na mas kilala sa Revised Forestry Code of the Philippines.

Sa pahayag naman ni PBGen. Christopher C. Birung, ang Regional Director ng PRO2, pinuri nito ang mga kapulisan sa kanilang dedikasyon, at commitment sa kanilang mga trabaho at sa pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *