Lalawigan ng Isabela, napabilang sa national finalists ng Walang Gutom Awards

Isa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa mga napabilang bilang National Finalist ng Walang Gutom Awards ng Galing Pook Foundation at Department of Social Welfare and Development.

Ayon sa PGI, mula sa 101 Local Government Units na nagpasa ng kanilang entry ay nasa 17 lamang ang kwalipikado sa finals kung saan napabilang ang Isabela sa ipinasang entry na Isabela Rice Assistance Program o I-RICE AP.

Ilan sa mga kwalipikado ay ang probinsya ng Biliran at Quezon maging ang anim na siyudad, anim na munisipalidad at dalawang barangay kabilang na ang Barangay Naggasican sa Santiago City.

Papangunahan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez at Provincial Task Force ng Walang Gutom Award ang presentasyon ng nasabing I-RICE AP project sa ika-25 ng Hunyo na susundan ng awarding ceremony sa ika-26 ng Hunyo.

Layunin ng naturang parangal na bigyang pagkilala ang mga accomplishment ng bawat LGU sa paglaban sa kagutuman at malnutrisyon sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *