Pagsasaayos ng meat at fish section ng Legazpi City Public Market sisimulan sa Setyembre

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Rezalina Macam ang Vice President ng meat section ng Legazpi City Public Market na aayusin ang ilang bahagi ng palapag ng nasabing merkado.

Ayon kay Macam, inaasahan nito na masisimulan na ngayon buwan ng Setyembre ang renovation ng merkado particular ang meat at fish section.

Aniya, dahan dahan na rin itong aayusin ng meat at fish section habang ililipat muna ito ang mga vendor sa kanilang pwesto.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Magkakaron pa rin ng pagpupulong ang mga nagtitinda upang pag usapan kung saan bahagi ilalagay sa pwesto para makapagtinda ang mga ito.

Aminado rin na humina ang kanilang pagtitinda o kita nitong mga nakaraang buwan na nagsagawa ng suprise inspection ng LGU legazpi sa kadahailan na rin umanong nakitaan ang mga ito na marumi ang kanilang paligid at binabahayan ng mga insekto tulad ng mga ipis.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Dahil dito sumang ayon umano na ayusin para na rin sa kalinisan ng merkado publiko.

Umaasa ang opisyal, na bago pumasok ang buwan ng Disyembre ay matatapos na ang renovation dahil sa ito rin ang kalakasan ng kanilang pagtitinda.