Mga ‘die hard members’ ng NPA malaking dagok sa programang ELCAC – DILG Sorsogon

SORSOGON CITY – Sa kabila ng tagumpay ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) dahil sa patuloy na pagsurender sa gobyerno ng mga miyembro ng makakaliwang grupo, aminado ang Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon na matinding hamon sa kanilang kampanya ang mga nananatiling ‘die hard’ na miyembro ng mga rebeldeng grupong New People’s Army (NPA).

Paliwanag ni Julius Rodel Cal-Ortiz, ang head ng ahensya, ang die hard members kasi umano ang mayroong mas malakas na hakbang sa mga nangyayaring recruitment sa mga kabataan sa mga liblib na lugar na may sapat na kahusayan sa indoktrinasyon at mga propaganda laban sa gobyerno na nagiging epektibo pa rin hanggang ngayon kung saan marami pa rin silang nahihikayat na mamundok.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aniya, dahil rito mas lalo pang pinapalakas ng ELCAC ang kanilang pagbibigay serbisyo gaya ng seguridad ng mga rebel returnees at mabilis na pagproseso ng mga papeles nito at pagbibigay ng mga kabuhayan at magbagong buhay.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Disyembre nitong nakatalikod na taon, bago pumasok ang 2021 umaabot na sa humigit kumulang 50 aktibong miyembro ng NPA ang nagbalik loob na sa pamahalaan at tumanggap ng mga benepisyong hatid ng ELCAC habang mahigit 30 pa ang nasa proseso na ang mga dokumento.

PHOTO: Google