Pagsalubong sa Ramadan, magsisimula na ngayong araw

LEGAZPI CITY – Sisimulan na ngayon araw, Marso 23, ang pagsalubong sa Ramadan na ginagawa ng mga Muslim sa loob ng tatlumpung araw.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Hadji Amin Hassan, Regional President ng United Muslim Communities of Bicol Region, ang “fasting” o ang hindi pagkain at pag-inom ng kahit ano ay siyang pangunahing “highlight” ng Ramadan at isa sa nakagawiang tradisyon na hanggang ngayon ay ginagawa nila.

Sinabi niya, mayroong mga ipinagbabawal tuwing sasapit ang Ramadan, kabilang ang makipagsiping sa asawa, pagbigkas ng masasakit na salita at pagmumura.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Ayon sa kanya, ang fasting ay nagsisimula sa pagpatak ng 04:30 ng umaga hanggang alas 6:00s ng gabi, kung saan, sa pagitan ng mga oras na ito, sila ay magdarasal at magbibigay lamang ng papuri kay Allah.

Ang mga batang may edad hanggang 7 taong gulang ay nasa estado ng pagsasanay ng hindi pagkain; ang mga edad 10-pataas ay kailangan nang magsagawa ng fasting; habang ang may edad na 70-pataas ay gagawin ang tinatawag na pedia, kung saan sila ay kakain, ngunit ang kalahati ay ipapamahagi sa iba.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Bukod pa rito, sinabi rin ni Hassan na nakakatulong ang fasting sa paglilinis ng ating katawan dahil sinusunog nito ang acid at toxins.

Samantala, naghatid din ito ng pagbati at mensahe para sa kapwa nila muslim na nawa ay mapasakanila ang kapayapaan sa pagdiriwang ng Ramadhan. | MAEDIN DEXISNE