LGU Legazpi, naghahanda na sa pagiging isa sa mga hosts ng modified Palarong Bicol

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City sa pangunguna ni Mayor Geraldine Rosal sa pagiging isa sa apat na hosts ng modified Palarong Bicol ngayong taon.

Ayon kay DEPED Legazpi Division Sports Officer, Franciso Dexter Sison ang Division sports officer, nagkaroon na ng pagpupulong ang LGU at ang ahensya na dinaluhan ni dating gobernador Noel Rosal sa ngalan ng alkalde at ng mga finance officers.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Napag-usapan dito ang magiging pondo sa pagiging host ng naturang aktibidad na may kabuuhang halaga na PHP853,000 at delegation budget na may PHP5,799,500.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa ngayon, nakapaglibot-libot na rin ang mga tauhan ng City Engineering’s Office sa mga paaralan na gagagamitin sa naturang aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga kalahok. | MARK ANDREW PORTUGAL