Hiniling ng Private Sector Advisory Council kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na i-review ang mga sahod at mga benepisyo ng nurses.
Ginawa ng grupo ang kanilang panawagan sa ginanap na pulong kasama ang Presidente.
Ayon sa PSAC bukod sa pagbibigay ng scholarships at mga insentibo sa nursing schools at nursing students ihinihirit din nito na magkaroon ng umento sa sahod ng mga nurse na sa mga ospital ng gobyerno dahil napagiiwanan na ito sa sweldo ng mga nasa private hospitals.
Dapat umanong magkaroon ng polisiya ang pamahalaan na nag-aatas ng parehas na sahod para sa nurses sa public at private sectors.
Batay sa datos ng Department of Health, nasa kabuuang 617,000 ang lisensyadong nurses sa bansa kung saan 28 porsiyento dito ang nagtatrabaho sa govenrment at private health facilities.
Kalahati naman dito 316,000 ang nag-migrate na habang 21 porsiyento ang nagtatrabaho sa ibang larangan.
Samantala bilang tugon sa panawagan ng PSAC inihayag ni Pangulong Marcos na suportado niya ang proposal na magkaroon ng “ladderized” program sa mga nurses upang mapalakas pa ang health sector sa bansa.
#