CAMARINES SUR- Delikadong pumunta sa nadiskobreng kuweba sa ginagawang Pasacao-Balatan Tourism Coastal Highway sa parte ng Bula Camarines Sur, mahigpit na rin ang pagbabawal ang paggawa ng content o vlog sa lugar.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Municipal Environment and Natural Resources Officer Donna Martirez matapos ang mga serye ng inspeksyon kasama ang DENR Bicol, Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya. Hindi ligtas ang lugar dahil sa mga bitak na makikita sa loob ng kuweba. May mga nagbabatay na otoridad sa area.
Limitado ang impormasyong isasapubliko ngayong kadidiskobre pa lamang nito bilang pagsunod sa National Caves and Cave Resources Management and Protection Ac o R.A. 9072. Pakiusap ng LGU proteksyonan at iwasang masira ang bagong tuklas na likas na yaman ng lalawigan.