Buntis na kabilang sa mga biktima ng pagsabog sa isang gusali sa Legazpi, kritikal; pitong buwang gulang na sanggol na anak, patay

LEGAZPI CITY – Kritikal ngayon ang kondisyon ng isang ina matapos ang nangyaring pagsabog sa CAL courtyard sa Brgy. Pinaric, Legazpi City noong Sabado, Hulyo 27, habang binawian na ng buhay ang pitong buwang gulang nitong sanggol na noo’y nasa sinapupunan pa.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kinumpirma ito ng Bicol Regional Hospital and Medical Center, kung saan nagtamo umano ang ina ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at naging masama rin ang kalagayan ng anak na nasa sinapupunan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nailabas naman umano ang sanggol via caesarian birth at na-incubate subalit namatay din ito.

Kung babalikan, alas 12 ng hatinggabi noong Lunes ay namatay din si Jurie Ramos Masarate, isa as mga biktima, habang ginagamot sa BRHMC.