PH, nasa moderate risk pa rin sa COVID-19 -OCTA Research

Inihayag ng OCTA Research Group na nananatili pa ring nasa moderate risk ang Pilipinas sa COVID-19.

Ito ay matapos sabihin ng Department of Health (DOH) na low-risk na sa infections ang bansa.

Ayon kay OCTA Research fellow Prof. Guido David, sa pangkalahatan, moderate risk pa rin ang assessment ng experts group dahil mayroon pa ring mga lugar na high risk sa virus.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Aniya, ang kanilang assessment ay batay sa “whole of nation-approach” ng ibang bansa.

Sa ngayon, sinabi ni David na ang COVID-19 positivity rate ng Pilipinas ay mas mababa sa 5 percent na di nakaka-alarma.

Pero, binigyang diin ng eksperto na ang downtrend sa COVID-19 infections ay bumagal at malapit na ang general direction ng National Capital Region (NCR) sa flat line.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Bukod dito, sinabi ni David na nasa low to moderate rick ang NCR sa infections.

Kabilang sa mga indicators na pinagbasehan ng OTA ay ang reproduction number na syang infection rate; daily attack rate o bilang ng kaso per 100,000 population; hospital utilization; at positivity rate.