Pagparada ng mga truck na nag-aangkat ng baboy mula Visayas at Mindanao sa Camalig by-pass road, inireklamo

BICOL—Nagsagawa ng dayalogo ang lokal na gobyerno ng Camalig, Albay sa mga may-ari ng lupa sa Libod-Salugan Bypass Road kasunod ng reklamo ng mga ito laban sa pagparada ng mga malalaking truck sa kanilang mga pagmamay-aring lote.

Ang mga nasabing truck ay ang mga nagdedeliver ng baboy mula pa sa Visayas at Mindanao kung saan pinangangambahan ang posibleng panganib nito sa environmental sanitation sa lugar.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Layunin sa ginawang dayalogo na maresolba ang nasabing problema kung saan ipagbabawal na ang illegal parking activities sa mga nasabing lupa at gagawin na ito bilang isang rest/parking area.

Sa ganitong paraan, mayroon nang magmamantina sa lugar upang maipasunod ang tamang pagtatapon ng basura at water system management alinsunod sa Republic Act 9003 o Solidwaste Management Act at R.A 9275 o Philippine Clean Water Act.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kasabay nito, magsasagawa ang local na pamahalaan at ang barangay sa pamamagitan ng kanilang Barangay Solid Waste Management Councils (BSWMCs) ng river clean-up and monitoring operations.

Samantala, upang maresolba ang problema sa pagsulputan ng mga food/retail stores sa bypass road, target ng local na gobyerno na ilipat ang mga nasabing tindahan sa mas ligtas at maayos na lugar.### || slm