Pagpapauwi sa mga labi ng tatlong OFWs sa Israel, matatagalan pa – OWWA

Inamin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA ) na posibleng matagalan pa ang repatriation o ang pagpapauwi sa mga labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa gitna ng giyera sa Israel.

Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, naghahanap pa ang ahensya ng mga hakbang upang mapabilis ang pagpapauwi sa mga katawan ng mga biktima sa lalong madaling panahon.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Punto ni Ignacio, isang linggo lamang ang aabutin ng repatriation kung walang kaguluhan sa Israel.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Mababatid na kabilang sa mga nasawi ay ang mga healthcare wokers na sina Loreta Alacre, Paul Vincent Castelvi at maging si Angeline Aguirre.

Samantala, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Israel sa mga kaanak ng tatlong biktima.