Lalong pinaigting ng pamunuan ng Jose B. Lingad Memorial General Hospital ang kanilang pagpapatupad ng health and safety protocols sa loob ng pagamutan.
Sa inilabas na abiso sa publiko ng nasabing ospital, magsasagawa umano ang JBL hospital ng mga makabagong estratehiya.
Ito ay upang mapangalagaan ang mga pasyente, medical workers at iba pa nilang empleyado.
Samantala, kahapon nagsimula na ring tumanggap ng mga COVID at non-COVID patient ang JBL.
