Facebook page ng DepEd Sorsogon, na hack!

SORSOGON CITY – Na-hack umano ang Face book page ng DepEd Sorsogon matapos na bumungad sa mga netizens at administrator ng page ang bago nitong pangalan na ‘History of World,’ kinumpirma mismo ito ng DepEd-Sorsogon.

Ayon sa kagawaran, nagdulot ito ng pagkalito sa mga tagasunod nito dahil sa pagbabago ng pangalan ng pahina sa “History of World” ng hacker.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Aabutin umano ng hindi bababa sa 60 araw bago ang mga administrator ng lehitiomng pahina ay maaaring humiling sa FB na ibalik ito sa tunay na pangalan ng pahina nito na DepEd Sorsogon.

Humingi ng tulong ang kagawaran sa mga followers ng page sa pamamagitan ng pagpapaalam sa Facebook na ang opisyal na pangalan ng pahinang ito ay ‘DepEd Sorsogon’ at ang hacker ay responsable para sa hindi awtorisadong pagbabago ng pangalan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Humihingi din ng paumanhin ang kagawaran dahil sa abala na idinulot ng nasabing pangyayari sa kanilang mga loyal likers at followers kasabay ng panawagan na sana ay ipagpatuloy ang pagsuporta sa kanilang fb page sa kabila ng nasabing insidente.