NAGA CITY- Patuloy na inihihirit ng Department of Agriculture (DA) Bicol sa Commission on Elections (COMELEC) na payagan ang pagbibigay ng ayuda at pagpapatuloy ng social services sa gitna ng pag ban ng disbursement ng public funds dahil sa halalan.
Inihayag sa mga miyembro ng media ni DA Undersecretary for Operations Engr. Ariel Cayanan, handa namang sumunod ang kagawaran sa layuning hindi makulayan ng politika subalit mahalaga aniyang mabibigyan ng importansya ang mga magsasaka may Eleksyon man o wala. Pwede naman aniyang huwag isama ang mga halal na opisyal o kandidato tuwing namimigay ng ayuda.
Samantala sinabi ni Regional Director Rodel Tornilla, umapela na sila sa COMELEC ukol sa imprastraktura at nakuha na ang certificate of exemption ngunit ang pamimigay ng financial assistance at iba pa ay hinihintay pa ang desisyon ng commission en banc.
Ang mga pahayag ay sinabi sa ika-14 National Rice technology Forum sa Camarines Sur.