Legazpi City-LGU, muling nagpaalala sa publiko na sundin ang mga umiiral na health protocols sakabila ng pagluluwag ng restrictions

BNFM BICOL—Muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City sa mga residente ng lungsod na panatilihin ang pagsunod sa mga umiiral na COVID-19 health protocols sakabila ng pagluwag ng mga ipinatutupad na restrictions.

Ayon sa City LGU, bagaman ilang araw nang hindi nakakapagtala ng panibagong kaso ng sakit ang lungsod simula nitong April 14, mahalaga anilang hindi pa rin maging kampante ang publiko hinggil dito.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang nararanasan umanong ‘downtrend’ ng COVID-19 cases sa lugar ay dahil na rin sa pagsusumikap ng LGU na palawakin at palakasin ang vaccination programs sa lungsod, upang mabigyan ng proteksyon ang mas malaking bahagi ng populasyon nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Matatandaang nitong Semana Samanta, tila balik na sa normal ang naging sitwasyon ng lungsod makaraang maidaos ang mga nakaugaliang aktibidad gaya ng Lenten Procession na dinagsa at dinaluhan ng maraming tao.###