Pagpapatayo sa isang waiter ng dalawang oras dahil sa umano’y pagtawag nitong “sir” sa isang customer, hindi makatarungan – LGBTQ advocate sa Albay

LEGAZPI CITY – Hindi umano makatarungan ayon sa isang LGBTQ Advocate sa Albay na si Georgia Lotivio ang pagpapatayo ni Jude Bacalso, LGBTQ member, sa isang waiter sa restaurant ng dalawang oras makaraan umanong tawagin siya nitong “sir”.

Read More:  Suspect in killing of online seller in Davao del Norte, arrested

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Lotivio, pwede naman sanang sabihan na lamang ang waiter ukol sa tamang pag-address o pagtawag sa tulad nitong LGBTQ member lalo na kung ito’y naka-cross dress upang maging aware ang ibang tao, at gayundin, hindi mawala ang respeto.

Read More:  Mayor Lucy Torres-Gomez honors Chinese medicine heroes as three-day medical mission hits 1,451 served with chiropractic, ventosa, and acupuncture

Samantala, kung matatandaan ay nagbigay na ng apology si Bacalso na ayon kay Lotivio, tama lang dahil mali ang ginawa nito sa nasabing waiter.