Pagpapamalas ng makabagong paraan ng pagtatanim, tampok sa PalaySikatan 2.0

BNFM BICOL – Tampok ang makabagong paraan ng pagtatanim ng Albay at Southern Leyte sa naganap na PalaySikatan 2.0 na kung saan ay ipinamalas dito ang paggamit ng walk-behind mechanical transplanter.

Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, mas magiging madali at mabilis ang pagtatanim ng palay. Ang mga magsasaka ay binibigyan ng pagkakataon na makakita at matutunan ang mga makabagong paraan ng pagtatanim sa PalaySikatan 2.0 Ayon sa isang kalahok na si Ka-Palay Marino Pabuaya ang kanyang karanasan ay nagpapatunay na malaki ang potensyal ng teknolohiyang ito sa pagpapataas ng ani at pag-improve ng kalidad ng pagtatanim.

Read More:  PRO-8 files multiple charges against teen suspect in Tacloban School shooting

Ang RCEF PalaySikatan 2.0 ay mas pinalawak na technology demonstration kung saan susubukan ang mga makabagong teknolohiya at rekomendadong barayti sa 50 ektaryang palayan. Inaanyayahan naman ang mga magsasaka sa rehiyon na malapit sa mga lugar na may PalaySikatan site 2.0 na bisitahin ito at masaksihan ang makabagong teknolohiya magagamit sa palayan. ### Rumer Grant, Intern

Read More:  Policewoman faces charges over firearm used in Tacloban shooting

Photo Courtesy of DA-PhilRice Bicol Facebook Page