Permit to Carry Firearms Outside of Residence, suspendido sa SONA

Sinuspinde ng Philippine National Police ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa July 22.

Ito’y bilang bahagi na rin ng seguridad kasabay ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  DSWD assures safety of rice in family food packs amid reports of unusual smell

Batay sa abiso, epektibo ang suspensyon simula alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-11:59 ng gabi ng nasabi ring araw.

Nauna ng sinabi ng PNP na halos 22 libong mga pulis ang kanilang ipakakalat upang magbantay sa seguridad kasabay ng SONA.

Read More:  House Prosecution considers stipulating witness Edward Fajarda’s testimony to expedite impeachment trial

Habang 5 hanggang 6 na libo rito ay ipakakalat naman sa paligid ng Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang aktibidad.