Pagpapalakas sa NTF-ELCAC, isinusulong ng isang senador

Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go na makatutulong sa pagkakaroon ng inklusibong bansa at pagpapanatili ng kapayaan ang pagsasaayos sa mga programang nakapokus sa mga rebel returnees.

Ayon kay Go, kung mapapalakas ng gobyerno ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay malaki ang tyansa na mas magkakaroon ng mga developments sa mga bundok.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Sa pamamagitan nito, ayon kay Go, mas maeenganyo ang mga barangay sa bundok na sumuporta sa gobyerno.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maliban pa roon, mas maipapaliwanag din umano sa mga nagiging rebelde sa bundok na mas magandang mamuhay dito sa bayan.

Kaugnay nito, patuloy na itinutulak ni Go ang pagsuporta sa pagpapalakas sa NTF-ELCAC lalo na sa Balik-Loob Program nito sa mga rebel returnees.