Kadiwa stores ngayong taon, inaasahang mas madadagdagan pa

Nagpapatuloy ang implementasyon ng Kadiwa Program sa buong bansa.

Ayon kay Dept. of Agriculture Asec. Arnel De Mesa, patuloy ang paglarga ng naturang programa ngayong taon.

Dagdag pa nito, inaasahan nilang mas dadami pa ang mga Kadiwa stores, kasabay ng pakikipag-ugnayan nila sa mga simbahan, at iba pang organisasyon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Binigyang-diin din ni De Mesa na una nang ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagkakaroon ng coordination sa provincial governments na dapat bawat probinsya ay matatayuan ng Kadiwa.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, pagdating naman sa bentahan ng bigas, sinabi ng opisyal na nakikita nilang mas magiging mas mababa na ito kaysa sa tradisyonal na market dahil direkta na itong nakukuha sa mga farmer cooperatives.