Inaprobahan na ng Department of Budget and Management o DBM ang issuance ng Special allotment release order o SARO na nagkakahalaga ng 550 million pesos para sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI.
Ang pondo ay gagamitin para sa construction at expansion ng walong palapag na out patient department ng NKTI.
Naka disenyo ang itatayong OPD bilang one-stop shop para sa social services, gayundin sa diagnostic at surgical facilities.
Sa pag aproba ng DBM, inalala ni budget secretary Amenah Pangandaman ang palaging sinasabi ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat walang Pilipinong mapagkaitan ng quality healthcare, kaya patuloy ang pagbibigay nila ng mataas na halaga sa mga healthcare facilities, lalo na sa mga specialty hospitals katulad ng NKTI.