Pinalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang disaster resilience ng bawat mga ahensiya sa lalawigan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Incident Command System (ICS) Executive Course kamakailan sa BFP Building, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, bukod sa mga ahensya ng pamahalaan ay kabilang din sa mga lumahok sa naturang executive course ay sina PDRRMC Chairman at Isabela Governor Rodito T. Albano III, at si Quirino Governor Dakila Carlo E. Cua.
Limang course module naman ang pinag-aralan sa executive course gaya ng Introduction to ICS, ICS Organization, ICS Facilities, Managing Planned Events and Major Incidents, at ang Common Responsibilities.
Ang incident command system naman ay isang standardized, on-scene, all-hazard incident management concept na maaari namang gamitin ng kahit sinong response group.