9th Batangan Pride March, isinagawa sa bayan ng San Jose

Batangas City –

Naging matagumpay ang isinagawang 9th Batangan Pride Marchsa bayan ng San Jose Batangas noong nakaraang Biyernes, June 21, 2024 na may temang Reflect, Empower, Unity.

Highlight ng nasabing programa ang iba’t-ibang aktibidades tulad ng Festival King and Queen, Hair Cut & Coloring competition, at Commercial Hair and Make-up Competition ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Layon ng naturang programa na matuldukan na ang diskriminasyon at pang-aabuso laban sa mga LGBT members.

Kabilang din sa mga sumuporta at nakilahok sa programa ay ang Flock of the Third Sex LGBT mula Lobo Batangas.

Samantala, naging possible ang programa sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office at Provincial LGBT Alliance of Batangas.