NAGA CITY – Iminumungkahi ng Naga City Hygiene Clinic na dapat kasama sa new year’s resolutions lalo na ng mga estudyante ang pagpa-HIV AIDS Free Testing para sa matiyak na wala silang anumang sintomas ng nakamamatay na infections na ito.
Sa pagtapos ng taong 2023 naitala ng klinika ang 97 HIV AIDS positive na mas mataas noong taong 2022 na 75 lamang, at ang mga pasyenteng nasa malala ng sitwasyon ay nasa ospital na.
Ayon kay Grace Guevarra, Head ng Clinic, sinabi niyang masaya sila na ganito ang datus na ang ibig sabihin ay patuloy na tumutugon ang publiko sa kanilang panawagan na labanan ang pagkalat nito, at mailigtas ang sinumang may maling sistema sa pakikipag-relasyon.
Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, sinabi niyang mas pagtutuunan nila ng pansin ngayong taong 2024 ay ang mga estudyante, dahil sa mataas na bilang ng mga ito na nakikitaan nila ng sintomas ng HIV.
Muli silang makikipag-ugnayan sa mga school heads at school administrator para sa aktibidad na ito.