NAGA CITY – Opisyal nang sinimulan ngayong araw ang Business One Stop Shop o BOSS sa Naga City, kung saan magandang balita rin para sa mga business owners, dahil makakatanggap ng reward mula sa City Government ang unang makakakuha ng business permit.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Maricor Gayanilo, City Treasurer’s Officer. Aniya sa mismong araw din kasi ng proseso kung kompleto na ang requirements ng kliyente maaari nang makakuha ng business permit na maliban sa nauna mabibigyan din ang pangalawang kliyente na makakuha ng nasabing permit.
Halos nasa 13, 980 business owners din ang inaasahan nilang magrerenew ngayong taon, at may target na 10% na taas ng kita kumpara sa higit 54 milyon na kita nitong 2023 lalo na umabot din sa 327 milyon mahigit ang nakolekta o kinita ng opisina.
Dagdag pa ng opisyal, maliban sa mga barangay asahan pa ang ibang opisina, tulad ng ACTO, DTI sa nasabing BOSS sa City People’s Hall.