Pagpalawig sa importation ban ng sibuyas, kinatuwa ng ilang manininda sa Naga City

NAGA CITY – Ikinatuwa ng ilang manininda ng sibuyas sa Naga City ang pagpapalawig sa importation ban ng sibuyas sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Marilou Margallo, manininda sa ilalim ng Naga City Peoples’ Mall, sa halos 20 taon niyang pagtitinda ng sibuyas sa merkado, sobrang nahirapan sila noong panahon na nag-import ng sibuyas ang bansa na halos pumalo 700 piso dahil sa umano’y kakulangan sa supply nito. Dahil imported, kinailangan rin nilang magtaas ng presyo. Kaya simula ng magpatupad ng importation ban sa sibuyas ang bansa, naging masagana na ulit ang kanilang kita dahil sapat na ang local supply na nakukuha nila mula sa Nueva Ecija at Mindoro.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

“Lalong nagmura yung presyo ng sibuyas pero ngayong susunod na mga buwan, siguro, mamahal na naman ang sibuyas kasi manggagaling na yan sa storage. Pero kung yung fresh pa, mura pa” – Marilou Margallo

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Matatandaan na nagpalabas ng pahayag ang Department of Agriculture na plano pa nilang palawigin ang import ban ng sibuyas hanggang sa Hulyo. Samantala, ngayong paparating na rin ang tag-ulan, inaasahan nila ang mas magandang kalidad ng mga sibuyas at mas mataas na presyuhan nito.